wag na lang mag tanong
Only the one who does not question is safe from making a mistake.
Albert Einstein --- From a letter to Gustav Bucky, 1945.
Kapag wala akong maisulat dahil tatanga tanga na naman ako, napapaisip ako, ano kaya kung mangulit na lang muna kaya ako? Baka sakaling may maganda akong maisulat kapag idinaan ko sa pagtatanong ang gusto kong sabihin. Minsan kasi mas ok pang magtanong na lang at mang-urat kesa magbigay ng sagot, baka sakali ding sa pagtatanong e mas lalo kong masabi ang mga marakulyo at hinanakit ko sa mundo. Eksperimento ang tawag dito. May dinidiskubre ako ngayon.
Trying hard writer kasi ang drama ko ngayon sa buhay. hindi naman talaga ako marunong magsulat, kulang ako sa mga pagbasa at wala akong mga pormal na treyning hinggil sa propesyong ito. Ang alam ko lang e may gusto akong sabihin, yung hindi gaanong nasasabi, yung mga hindi gaanong naitatanong, yung hindi gaanong pinaguusapan at yung parating tinatakasan. Ang mga nagsusulat ay naghahanap din kasi ng kausap. Hindi sila nag mo-monologue, gusto din nila ng dialogue.
Ito yung ilan sa mga tanong na hindi ko alam kung dapat ko pa bang itanong o wag na lang kaya?:
1. bakit sa isang planetang malala ang problema ng mga tao sa sikmura problema pa rin sa sugatang puso ng mga emo ang inaatupag ng karamihan? anong maganda sa pagiging malungkot? Sa mundo ng t.v, tignan na lamang halimbawa si Darna, kahit marami syang kalabang alien at lamang lupa, problema pa rin sa puso ang sentro at dulo ng kanyang istorya.Ganun ba talaga ang kwento ng ating buhay? Puso ba talaga ang pangunahin nating problema? Masarap ba talagang problemahin parati ang puso? Yun ba ang dahilan kung bakit nagiging fashionable ngayon ang mga emo? Ginagaya na lang natin ang mga nakikita natin sa t.v. Hala cge, ang sagot sa problema ng mundo: maglaslas na lang tayo ng pulso.
2. Yung termino ng bulilit nating pangulo sa palasyo, pag natapos ba yun pwede naman syang tumakbo sa kongreso? Anong klase ng pagtakbo yun, paatras o pasulong? Paano kung tumutol ang mga tao, ibababa kaya ni mrs arroyo ang martial law? Yun ba ang dahilan kung bakit gusto nila ng cha cha? E pano kung gusto namin ng rumba?
3. Yung mga nagtratrabaho sa mga industriya't pabrika pati na rin yung mga maliliit na empleyado ng gobyerno kasama ang mga guro, pag "tumaas" ba ang sahod nila ibigsabihin ba nun hindi na yun mababa? do the math. Ayoko magsuma. Tanga ako sa pagkekwenta.
4. Nalilito ako kung sino ang tunay na magliligtas sa atin, si alah o si budah? Si kristo o si zorro? Sino sa kanila ang totoo? Sino sa kanila ang tama? Meron pa bang tama? kanya kanya lang daw ng paniniwala yan. Lagi na lang ba tayong magkakanya kanya? Yun ba ang tama?
5. Ang sabi ng ating popular na imahinasyon: "ang edukasyon ang sagot sa kahirapan" kung makakatapos ba ako ng kolehiyo may nag aantay ba sa akin na magandang trabaho? magkano naman ang sweldo? Paano kung may masteral nako bibilis kaya ang promotion ko? Eh kung may doctoral ako, yayaman na ba ako? Magagamot ko na ba ang sakit ko sa bulsa? Edukasyon lang ba talaga ang sagot sa kahirapan? ( ang sabi sa pader ng PUP: sagot sa kahirapan digmang bayan!) Tara!
6. Paano kung sa susunod na laban ni pacquiao matalo na siya kay Cotto? Tapos nalamog. Lamog na lamog. Magrerebolusyon na kaya ang mga tao?
7. Ang sabi ng mga cute sa ako mismo.org: "ang pinakamalaking problema ng pilipinas ay hindi kahirapan o katiwalian o kawalan ng kapayapaan, kundi ang pagwawalang bahala ng mamamayan" Ano uli? Indibidwal na lang ba ang may problema at hindi na ang istruktura, ang sistema? Hindi na ba malaking problema ang kahirapan, katiwalian at kawalan ng kapayapaan? Ano ka postmodern? Magsusuot na lang ba ako ng dog tag para kasali na ako sa diskurso ng mga cute? arf arf! Ang baduy mo dude.
8. Ang siyensya at teknolohiya, nakatulong ba sila para bawasan ang ating mga problema o dinagdagan lang nila ang sakit sa ating mga ulo? Ginamit lang ba sila para sa kapangyarihan at kayamanan? Ito ba yung reklamo ng mga postmodern? Ang bayan ko ba ay isa nang postmodern? Ano yun? o0o0psS! Wala nang meaning, deconstructed.
9. Alin ang mas tamang paglalarawan sa ating bayan, ang pilipinas ay isang bansang mayaman na nagpapanggap na mahirap (sabi sa pugad baboy) o isang bayang mahirap na nagpapanggap na mayaman? (kulturang popular) Ano sa tingin mo?
10. Bakit yung depenisyon ng maganda at pogi ibinatay na lang sa standard ng mga may pera na pwedeng mag pa-opera kela Calayan at Belo? Paano kung wala akong pampa opera, automatically panget na ba kami?
Ang gulo gulo. lagi na lang din akong napag-sasabihang magulo magsulat. Magulo din kasi ako mag isip yun ay sapagkat abnormal din ang aking mundo. Ano nga uli ang problema? Walang problema. Andyan ang teknolohiya at telepantasya. Mabuti pang wag na lang magtanong. Mag doktor na lang kaya ako para magamot ko ang sakit ko sa tuktok? Wag, baka dumami lang ang mga abnoy. Wala na din pala ako pambili ng beer, ang tagal kasi ng sweldo, kelan kaya ang sweldo? Di bale, di problema yun. O sige na nga, uubusin ko na lang ang oras ko sa facebook. Ano mas magandang laro farmtown o farmville? Mafia Wars na lang kaya, para matuto akong maging sindikato? "What's on your mind sanamabits?" Tingin mo
~ dEkki
- Mood:
Content - Listening to: the call of death
- Reading: edge water angels
- Watching: watching my self on the tainted waters of heaven
- Playing: guess what
- Eating: paints and puke inducing point of views
- Drinking: blood and honey
Previous Page12345...Next Page